|
||||||||
|
||
Matatapos sa katapusan ng buwang ito ang karagdagang 600 dolyares na unemployment benefit na lingguhang ipinagkakaloob ng pederal na pamahalaan ng Amerika alinsunod sa 2 Trillion Coronavirus Relief Package, na pinagtibay noong katapusan ng Marso.
Pero hanggang unang araw ng Agosto, wala pang komong palagay ang Democratic Party at Republican Party hinggil sa bagong round ng tulong pinansyal.
Sinabi ng mga ekonomista ng bansa, na kung walang susunod na planong pinansyal, mararanasan ng kabuhayan ng Amerika ang mas grabeng pagbaba.
Samantala, habang wala pang liwanag sa usapin ng tulong pinansyal, patuloy namang tumataas ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika.
Ayon sa datos ng Johns Hopkins University, hanggang hating-gabi ng unang araw ng Agosto 2020, lumapas na sa 4.6 milyon ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at mahigit 154 libo naman ang nasawi.
Ang Amerika ang siyang nasa unang puwesto sa buong daigdig sa naturang kapuwa datos.
Ayon pa rin sa ulat ng U.S. Department of Commerce, bumaba ng 32.9% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Amerika sa ikalawang kuwarter ng 2020 dahil sa epekto ng pandemiya ng COVID-19, at ito'y pinakamalaking pagbaba sapul noong 1947.
Ipinahayag kamakailan ni Jerome Powell, Tagapangulo ng Federal Reserve System, na di-maliwanag ang prospek nakabuhayan ng Amerika dahil ito ay nakadepende sa bunga ng paglaban sa COVID-19.
Kailangan ng Amerika ang mas malakas na suportang pinansyal, saad niya.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |