|
||||||||
|
||
Napakalaki ng pagkakamali ng Amerika sa pagharap nito sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nang unahin nito ang ekonomiya sa halip ng kalusugan ng mga mamamayan, na nagdulot ng napakalaking kapahamakan sa lipunang Amerikano.
Sinabi ito Agosto 3, 2020, ni Didier Pittet, Propesor ng Unibersidad ng Geneva, nang kinapanayam siya ng mamamahayag.
Ayon kay Pittet, ang kasalukuyang kalagayan ng Amerika ay tipikal na kaso ng "naapektuhan ng pulitika ang pagkontrol sa epidemiya." Ipinahayag niya na ayon sa kanyang kaalaman, ipinaalam na ng mga dalubhasa ng nakakahawang sakit sa pamahalaang Amerikano ang hinggil sa malubhang bunga nito, pero hindi tinanggap ng pamahalaang Amerikano ang mungkahi ng mga eksperto. Magbabayad ng mas malaki ang Amerika para kontrolin ang COVID-19. Kasabay nito, ang Amerika ay nagiging "mahinang bahagi"ng paglaban sa COVID-19 ng buong daigdig, na magdudulot ng mas maraming panganib sa ibang bansa.
Ayon pa sa estadistika, hanggang Agosto 3, 2020, umabot sa halos 4.7 milyon ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, na nasa bansa ang 1/4 ng lahat ng kumpirmadong kaso ng buong mundo. Lumampas ng 155,000 ang mga namatay, na nasa 22% ng buong bahagdan ng nasawi sa daigdig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |