|
||||||||
|
||
Hindi dapat buksan ng Amerika ang Pandora's box o magdudusa ito sa magiging resulta. Ipinahayag ito Agosto, 4, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa banta ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na dapat ibenta ang TikTok sa loob ng itinakdang panahon.
Sinabi kamakailan ni Trump na dapat ibenta ang TikTok at maging pag-aari ng Amerika bago ang Setyembre 15, kung hindi, puwersahang isasara ito. Hinggil dito, ipinahayag ni Wang na nitong ilang panahong nakalipas, kahit walang anumang katibayan, sa katwirang pangangalaga ng Amerika sa seguridad, ginamit ng bansa ang kapangyarihan para isara ang di aring-Amerikanong negosyo. Lumalabag ito sa prinsipyo ng market-economy at mga prinsipyo ng World Trade Organization (WTO) na pagiging bukas, transparency at walang diskriminasyon. Panggigipit ito, at buong tatag na tinututulan ito ng Tsina. Sinabi ni Wang na mayroong din maraming duda at pagpuna hinggil dito sa loob ng Amerika at sa komunidad ng daigdig.
Binigyan-diin ni Wang na nanawagan ang Tsina sa Amerika na mataimtim na pakinggan ang rasyonal na boses ng komunidad ng daigdig, huwag isapulitika ang isyung ekonomiko. Dapat ipagkaloob ng Amerika ang bukas at makatuwirang kapaligiran ng pamumuhunan at negosyo para sa iba't ibang bansa para pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayang pandagidig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |