|
||||||||
|
||
Hanggang 21:00 H, Agosto 5, 2020 (local time), umabot sa 135 ang bilang ng mga nasawi, samantalang 5,000 naman ang sugatan, at dose-dosena pa ang nawawala, sa malubhang pagsabog na naganap Agosto 4, 2020, sa Beirut, Lebanon.
Samantala, sa kanyang panayam sa Arabiya TV, ipinahayag ni Marwan Abbound, Gobernador ng Beirut, na posibleng nasa $10 trilyon hanggang $15 trilyong dolyar ang direktang kapinsalaang dulot ng pagsabog.
Kaugnay nito, isang pangkagipitang pulong ang idinaos kahapon ng pamahalaan ng Lebanon, kung saan, ipinatalastas na ang Beirut ay isa nang disaster-affected city, na nasa pangkagipitang kalagayan, at pagpapailalim sa lunsod sa superbisyong militar, sa darating na 2 linggo.
Hinimok din ng pamahalaan ang mga kinauukulang departamento na agarang isagawa ang hakbangin para tulungan ang mga biktima.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |