Isang mosyon ang isinumite kahapon, Sabado, ika-8 ng Agosto 2020, ng Konseho ng Estado ng Tsina, sa sesyon ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), para gawin ang desisyon tungkol sa patuloy na pagsasaoperasyon ng kasalukuyang Legislative Council (LegCo) ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Noong Hulyo 31, isinapubliko ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng HKSAR, ang pagpapaliban ng halalan ng Legislative Council, dahil sa lumalalang kalagayan ng Coronavirus Disease 2019 sa lugar na ito.
Nakatakda sanang idaos ang naturang halalan sa ika-6 ng Setyembre ng taong ito, at ang bagong iskedyul ay ika-5 ng Setyembre 2021.
Salin: Liu Kai