|
||||||||
|
||
Ito na ngayon ang bansang may pinakamalubhang kalagayan ng epidemiya sa daigdig.
Sa kabila ng kalagayang ito, sinimulan kamakalawa sa Sturgis, lunsod sa Estado ng South Dakota ng Amerika, ang taunang pagtitipun-tipon ng mga motorsiklista.
Tinatayang lumahok sa 10-araw na pagtitipun-tipon ang halos 250 libong tao, at ito ang pinakamalaking aktibidad na pampubliko sa Amerika, sapul nang sumiklab ang COVID-19.
Ayon sa pahayagang New York Times, walang suot na maskara ang mga kalahok, hindi sila tumatalima sa social distancing, at hindi rin nagsasagawa ng ibang hakbangin ng pangangalaga.
Salungat sa pagwawalang-bahala ng mga motorsiklista, nangangamba naman ang mga guro sa Amerika para sa sariling kaligtasan.
Bilang tugon sa kautusan ng pamahalaan na panumbalikin ang mga klase sa loob ng silid-aralan habang malubha pa rin ang epidemiya, ipinahayag ng mga guro ang kawalang-kasiyahan sa pamamagitan ng paunang pagsulat ng sariling obitwaryo.
Kaugnay ng pagkakawatak-watak ng lipunan ng Amerika sa harap ng COVID-19, sinabi ng pahayagang Washington Post, na sa kasalukuyan, ipinalalagay ng bahagi ng lipunang Amerikano, na ang epidemiya ay isang eksaherasyon o imbento lamang ng mga siyentista at media.
Ipinalalagay naman ni James Grossman, isang historyador na Amerikano, na ang kasalukuyang pagkakawatak-watak ng Amerika ay nilikha ng pamahalaan.
Sinabi naman ni Jared Baeten, Pangalawang Dekano ng School of Public Health ng University of Washington, na ang labis na liberalismo ng Amerika ay nagresulta sa kawalan ng kolektibong aksyon sa paglaban sa COVID-19.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |