|
||||||||
|
||
Mula ika-8 hanggang ika-11 ng Setyembre, 2020, gaganapin sa Xiamen, Lalawigang Fujian ng Tsina, ang 2020 China International Fair for Investment and Trade (CIFIT) at The Belt and Road Investment Congress (BRIC).
Ang Pilipinas ay guest country of honor ng CIFIT sa kasalukuyang taon.
Sa kasalukuyan, 35 bansa't rehiyon na kinabibilangan ng Hapon, Timog Korea, Britanya, Alemanya, Belgium, Austria at iba pa ang may malinaw na intensyong sumali sa nasabing perya.
Ang tema ng gaganaping CIFIT ay "pagpapasulong sa bidirectional investment."
Halos 110,000 metro kuwadrado ang kabuuang sona ng eksibisyon sa kasalukuyang taon, at ito ay may 16 propesyonal na sona ng pagtatanghal.
Ilulunsad ng nasabing perya, kasama ng Alibaba Group, ang isang plataporma ng "Cloud CIFIT," para sa pagdidispley ng mga eksibitor ng kani-kanilang produkto, pagsasagawa ng negosasyon, paglagda sa kasunduan at iba pang aktibidad na komersiyal.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |