|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Tulad ng sinabi ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ito ay isa pang aksyon ng politikong Amerikano para sa pagsasagawa ng konprontasyong ideolohikal, at paninirang-puri sa normal na takbo ng proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Amerika.
Bilang tugon sa desisyon ng pamahalaang Amerikano, inilabas ng Confucius Institute US Center ang pahayag, na nagsasabing wala itong kinalaman sa mga suliranin ng anumang Confucius Institute na gaya ng mga klase, pag-eempleyo, pondo, at iba pa, at wala rin itong epekto sa mga pamantasan ng Amerika sa pagpapatakbo at pamamahala ng sariling Confucius Institute.
Ang Confucius Institute naman ay naitatag para makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan ng ibang bansa sa pag-aaral ng wikang Tsino. Makakatulong din ito sa pag-unawa ng mga dayuhan sa kulturang Tsino.
Itinatag naman ng mga bansang kanluraning gaya ng Alemanya, Pransya, Espanya, ang kani-kanilang mga ganitong organo sa iba't ibang lugar ng daigdig.
Kung titingnan ang pamamaraan ng pagpapatakbo ng Confucius Institute, ito ay organong pang-edukasyon na walang pakinabang at magkasamang pinatatakbo ng panig Tsino at dayuhan.
Gawing halimbawa sa Amerika, ang lahat ng mga Confucius Institute sa Amerika ay itinatag batay sa kagustuhan ng mga pamantasang Amerikano, at sa pamamagitan ng kooperasyon nila kasama ng mga pamantasang Tsino. Transparent at alinsunod sa lokal na batas ang pagpapatakbo at pamamahala ng mga Confucius Institute na ito.
Ang panggigipit ng pamahalaang Amerikano sa Confucius Institute ay makakapinsala sa normal na pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Amerika. Ito rin ay maninira sa imahe ng Amerika bilang lugar na nagtataguyod ng multikultura.
Salin: Liu Kai
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |