|
||||||||
|
||
Nitong Linggo ng umaga, Agosto 16, 2020, mahigit 120,000 samples ang nangolekta sa Shanwei at Shenzhen, dalawang lunsod sa Lalawigang Guangdong sa katimugan ng Tsina, kaugnay ng nucleic acid test ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ang ganitong malawakang pagsusuri ay isinagawa pagkaraang maiulat ang isang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lokalidad noong isang linggo.
Sa Shanwei, tatlong taong may direktang kontak ay nakumpirmang asimtomatikong kaso, at sila ay kapamilya ng nasabing kumpirmadong kaso.
Sa Shenzhen naman, natuklasan ang dalawang asimtomatikong kaso na may direktang kontak sa kumpirmadong kaso na kanilang katrahabo.
Sa kasalukuyan, walang bagong kumpirmadong kaso ang naiulat sa naturang dalawang lunsod.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |