Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa pagbubukas ng sesyon ng All-China Youth Federation at kongreso ng All-China Students' Federation kahapon, Lunes, ika-17 ng Agosto 2020, sa Beijing.
Hinahangaan ni Xi ang mahusay na pagpapatupad ng naturang dalawang samahan ng mga gawaing may kinalaman sa mga kabataan at mag-aaral. Nanawagan din siya sa mga kabataan at estudyante sa buong bansa, na magbigay ng bago at mas malaking ambag sa pagtatatag ng Tsina ng lipunang may kaginhawahan sa mas mataas na antas.
Salin: Liu Kai