Kaugnay ng pagbeto ng United Nations Security Council ng panukalang resolusyon ng Amerika tungkol sa pagpapalawig ng arms embargo sa Iran, sinabi kahapon, Lunes, ika-18 ng Agosto 2020, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinakikita nito ang di pagtanggap ng komunidad ng daigdig sa unilateralismo, hegemonismo, at paglalagay ng sariling kapakanan sa itaas ng komong interes ng buong daigdig.
Hinimok din ni Zhao ang Amerika na alisin ang unilateral na sangsyon laban sa Iran, at isagawa ang makatwiran at pragmatikong posisyon, para bumalik sa tamang landas ng pagtalima sa Joint Comprehensive Plan of Action sa isyung nuclear ng Iran at mga may kinalamang resolusyon ng UNSC.
Salin: Liu Kai