Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chu Shu, natatanging panahon ng kagandahan at kultura sa Tsina

(GMT+08:00) 2020-08-22 13:54:55       CRI

Dahil ang heograpikal na lokasyon ng Pilipinas ay matatagpuan sa gawing itaas ng ekuwador o itinakdang linyang naghahati sa mundo sa hilaga at timog, mayroon lamang dalawang panahon sa bansa: tag-init o tagtuyot at tag-ulan.

Sa kabilang dako, dahil ang Tsina ay nasa bandang hilagang hemisperyo, ito ay may 4 na uri ng panahon (Tagsibol, Tag-init, Taglagas at Taglamig); at upang malaman ang bawat pagbabago ng panahon, ginagamit ng mga Tsino ang Nong Li o Lunar na Kalendaryong Tsino.

Ngayong araw, Agosto 22, 2020, nagsimula nang maranasan ng buong Tsina ang Chu Shu o limitasyon ng init.

Ang Chu Shu ay ika-14 sa 24 na solar na termino ng Nong Li, at ito rin ay ikalawang solar na termino ng Taglagas.

Ang Chu Shu na magtatatapos Setyembre 6 ngayong taon ay isang maikli at espesyal na panahon kada taon kung saan, maraming Tsino at mga dayuhang kinabibilangan ng mga Pilipinong nasa Tsina ang namamasyal sa mga parke at naglalakad-lakad sa mga kalye upang langhapin ang masarap na hangin, namnamin ang katamtamang lamig ng panahon at pagmasdan ang unti-unting pagbabago sa kapaligiran.

Walang ganitong panahon sa Pilipinas, at karamihan sa ating mga kababayan ay hindi pa nakakaranas ng ganitong uri ng klima, kaya naman, sa pamamagitan ng artikulong ito, nais kong ibahagi sa inyo ang mga impormasyon, kuwento at larawan hinggil sa natatanging panahon ng Chu Shu.

Aktibidad tuwing Chu Shu

--Paghahanda sa panahon ng anihan - Tulad ng nabanggit sa unahan ng artikulong ito, ang Chu Shu o limitasyon ng init ay tumutukoy sa pagsimula ng Taglagas, panahon ng tag-ani ng Tsina. May kasabihang Tsino na paglilinang sa Tagsibol, paggamas sa Tag-init, pag-ani sa Taglagas, at pag-iimbak sa Taglamig, bilang paglarawan ng pagsasaka sa apat na panahon ng isang taon.

Anihan sa Tibet

--Pagpasyal sa Great Wall at bundok– Ang taglagas ay sa isa mga pinakamagandang panahon ng Tsina, kung kailan presko ang hangin at malinaw ang langit. Ang Chu Shu ay napakainamn na panahon upang umakyat sa Great Wall at mga bundok dahil dito mas masisilayan ang magagandang tanawin habang ninanamnam ang presko at sariwang hangin.

Great Wall

--Ehersisyo at tulog – May kasabihan sa Tsina, "Ang mga tao ay antukin sa Tagsibol, palaidlip ang Tag-init, laging pagod sa Taglagas, at laging tulog sa Taglamig, " Sa paglamig ng panahon dahil sa Chu Shu, maraming tao ang nakakaramdam ng pagkahapo na tinatawag na "autumn weariness." Ito ay tanda na nangangailangan ng pahinga ang katawan, sapagkat maraming enerhiya ang naaksaya noong panahon ng Tag-init. Para bumalik ang sigla, kailangan lamang ng mas maraming tulog, ehersisyo at lumanghap ng sariwang hangin.

--Pagmamasid sa mga ulap – Sa panahon ng Chu Shu, ang mga ulap ay kumakalat sa kalangitan, at binubuo ang ibat-ibang hugis. Sa panahon ng Chu Shu, napakainam na humiga sa damuhan, silayan ang mga ulap at pagmasdan kung anu-anong hugis ang kanilang binubuo.

--Pagkain ng karne ng bibi – Ayon sa Tradisyonal na Medisinang Tsino (TCM), ang karne ng bibi ay may malamig na katangian. Alinsunod sa paniniwalang ito, tuwing panahon ng Chu Shu, mainam na alisin ang sobrang init sa katawan, sa pamamagitan ng pagpili sa mga pagkaing may malamig na katangian gaya ng karne ng bibi. Ang pinaka kilalang putahe ng karne ng bibi sa Beijing ay ang Beijing Kaoya o Peking Duck.

Peking Duck

--Panahon ng pangingisda – Sa panahon ng Chu Shu, idinaraos sa mga rehiyong malapit sa dalampasigan na tulad ng mga lalawigang Guangdong, Jiangsu, Zhejiang, at Fujian sa gawing timogsilangan ng Tsina ang kapistahan ng pangingisda. Sa pagtatapos ng pagbabawal o ban sa pangingisda, idinaraos ang pestibal at napakaraming tao ang nag-e-enjoy sa pagkain ng ibat-ibang uri ng lamang dagat.

Pangingisda sa Shanwei, siyudad sa Guangdong

Nong Li/Kalendaryong Tsino

Nabanggit ko kanina ang tungkol sa Nong Li, na ginagamit upang malaman ang bawat pagbabago ng panahon.

Dito nakabase ang Chu Shu at ibang pang mga solar na termino.

Ang Nong Li ay ang tradisyonal na kalendaryo ng Tsina at ginagamit ang ito, kasama ng Kalendaryong Gregorio.

Itinatakda ng Nong Li ang mga buwan base sa aktibidad o siklo ng buwan.

Ang Nong Li ay lumitaw noong Dinastiyang Xia (2070–1600 BCE), kaya, tinatawag din ito bilang Xia Li.

Ang kalendaryong ito ay angkop sa pangangailangan ng mga Tsino, lalung-lalo na sa mga gawaing agrikultural.

Para makaagapay sa solar na siklo, ang Nong Li ay dinagdagan ng 24 na solar na termino o Jie Qi para mas maliwanag na maipakita ang apat na panahon, temperatura, at iba't ibang biyolohikong penomena sa nagbabagong panahon.

Dahil sa pagtatakda ng 24 na solar na termino, mas mahusay na naipaplano ng mga tao ang pagtatanim at pag-aani.

Sa kasalukuyan, ang Nong Li ay gumaganap pa rin ng mahalagang papel sa pamumuhay ng mga Tsino.

Ang mga tradisyonal na kapistahang Tsinong tulad ng Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year at Pestibal ng Gitnang Taglagas, at siyempre Chu Shu o limitasyon ng init ay tinitiyak ayon sa Nong Li.

Ipinagdiriwang ng maraming Tsino ang kanilang kaarawan, pinipili ang masusuwerteng petsa para sa kasal, libing at iba pang mahahalagang aktibidad, batay sa Nong Li.

Artikulo: Rhio Zablan

Source:

http://www.chinadaily.com.cn/a/201908/23/WS5d5f1e75a310cf3e3556767a_2.html

http://chinaplus.cri.cn/news/china/9/20180822/173739.html

http://www.globaltimes.cn/content/1002287.shtml

https://www.britannica.com/topic/Xia-dynasty

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>