Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Indonesia, nag-usap; Katatagan ng SCS, magkakasamang pinuproteksyunan ng Tsina at ASEAN

(GMT+08:00) 2020-08-20 23:41:24       CRI

Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Huwebes, Agosto 20, 2020 kay Retno Lestari Priansari Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesia, tinukoy ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na bilang isa sa mga pinakamayamang estratehikong partnership sa rehiyong ito, naranasan ng relasyong Sino-Indones ang pagsubok ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na nagpapakita ng malakas na pleksibilidad.

Sinabi niya na bilang kapwa mahalagang malaking umuunlad na bansa at bagong-sibol na ekonomiya, dapat isabalikat ng Tsina at Indonesia ang kanilang responsibilidad at aktibong pasulungin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng komunidad ng daigdig para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon at pandaigdig, mapangalagaan ang komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa, at mapangalagaan ang sistemang pandaigdig na ang United Nations (UN) ay nukleo.

Ipinahayag din ni Wang na ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Indonesia. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magsikap kasama ng Indonesia para mapalawak ang kanilang kooperasyon at ibayo pang mapasulong ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Tungkol sa COVID-19 vaccine, sinabi ni Wang na ang kasalukuyang pinakamahalagang gawain ay pagpapasulong ng pagsubok-yari ng bakuna ng COVID-19 at kooperasyon ng paglaban sa epidemiya. Ipinangako na aniya ng panig Tsino na makaraan nitong matagumpay na subukin-yari ang bakuna, gagawin itong pampublikong produkto ng buong daigdig, at bibigyan muna ng mga bakuna ang mga umuunlad na bansa.

Kaugnay ng kalakalang Sino-ASEAN, tinukoy ni Wang na sa ngayon, ang Tsina at ASEAN ay pinakamalaking trade partner ng isa't-isa. Ang kapwa paglaki ng kalakalan at pamumuhunan ng dalawang panig sa panahon ng pendemiya ay nagpapakita ng napakalaking bentahe at napakalawak na espasyo ng kooperasyon ng dalawang panig. Aniya, ang pakikibaka laban sa epidemiya at kaunlaran ay ang dalawang pokus ng gawain sa rehiyong Silangang Asya. Nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng iba't-ibang bansang ASEAN para rito, ani Wang.

Kaugnay naman ng isyu ng South China Sea, ipinagdiinan ni Wang na ang talastasan hinggil sa Code of Conduct (COC) sa SCS ay sumusunod sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay, at nagpapakita ng pagkakasundo ng Tsina at sampung bansang ASEAN. Kaya ang resulta nito ay tiyak na aangkop sa kapakanan ng mga bansa sa rehiyong ito at pandaigdigang batas. Ang pagpupukaw ng mga puwersa sa labas ng rehiyon ng isyu ng SCS at paglikha ng maigting na situwasyon sa karagatang ito ay direktang banta sa katatagan ng rehiyon, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Retno ang lubos na pagsang-ayon ng Indonesia sa pagpapanatili ng mainam na pagpapalagayan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang ipagkakaloob nang pantay at at walang preperensya ang bakuna sa mga umuunlad na bansa. Napakahalaga ng ginagawang suporta at papel ng Tsina para maisakatuparan ang hangaring ito, aniya pa.

Dagdag niya, ang Tsina ay palagiang mahalagang katuwang na pangkooperasyon sa mga bansang ASEAN. Nagsisikap aniya ang Indonesia kasama ng Tsina para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng SCS.

Lubos ding nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>