|
||||||||
|
||
Sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa lalawigang Anhui sa silangan ng Tsina, isang talakayan hinggil sa magkakasamang pag-unlad ng Yangtze River Delta ang ipinatawag ni Pangulong Xi Jinping, kung saan hiniling niya ang pagsusulong ng walang humpay na pag-unlad ng rehiyong ito.
Biniyang-diin ni Xi, na dapat lumikha ng mainam na kapaligirang pangnegosyo at pangkaunlaran, ang Yangtze River Delta para hikayatin ang mga talento at kompanya mula sa loob at labas ng bansa, at patingkarin ang papel ng rehiyong ito bilang tulay sa pagitan ng mga pamilihang Tsino at dayuhan.
Tinukoy din ni Xi, na dapat paunlarin, pangunahin na, ng Yangtze River Delta ang mga sektor ng siyensiya at teknolohiyang gaya ng integrated circuit, biomedicine, at artificial intelligence.
Dapat din aniyang suportahan ng rehiyong ito ang inobasyon sa industriya ng manupaktura at ng mga mikro, maliit, at katamtamang-laking kompanya ng teknolohiya.
Dagdag ni Xi, kailangang magsikap ang Yangtze River Delta para sa pangangalaga sa ekolohiya at pagpapabuti ng mga serbisyong pampubliko, upang lalo pang maglingkod sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Ang Yangtze River Delta ay binubuo ng lunsod ng Shanghai, at mga lalawigang Anhui, Jiangsu, at Zhejiang.
Mahalaga ang katayuan at papel ng rehiyong ito sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |