|
||||||||
|
||
Mataas na pagtasa ang ibinigay ni Yang sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at T. Korea, at kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang sektor.
Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng T. Korea, na palakasin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, pasulungin ang koordinasyon ng mga estratehiyang pangkaunlaran, galugarin ang mga bagong sektor ng bilateral na kooperasyon, at pasiglahin ang pagpapalitan ng kabuhayan, kalakalan, at sa pagitan ng mga mamamayan.
Umaasa rin si Yang, na magkasamang pangangalagaan ng Tsina at T. Korea ang multilateralismo at malayang kalakalan, pasusulungin ang rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, at patitingkarin ang konstruktibong papel para sa paglutas ng isyu ng Korean Peninsula.
Kasama ng Tsina, sinabi naman ni Suh Hoon, umaasa ang T. Korea, na mapapahigpit pa ang pagpapalagayan sa mataas na antas, mapapalalim ang pagtutulungan sa iba't ibang sektor, at malilikha ang pangmatagalang kapayapaan sa Korean Peninsula.
Dagdag pa niya, nakahanda rin aniya ang T. Korea, kasama ng Tsina, na pasulungin ang kooperasyon ng T. Korea, Tsina, at Hapon; itaguyod ang multilateralismo at mga suliraning pandaigdig; at ipagkaloob ang bagong ambag para sa pandaigdig na kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |