|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon, Sabado, ika-22 ng Agosto 2020, sa Shanghai, ang seremonya ng pagsisimula ng konstruksyon ng Copyright Trading Center ng China Media Group (CMG).
Dumalo sa seremonya sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG; at Gong Zheng, Alkalde ng Shanghai.
Sa pamamagitan ng kooperasyon ng CMG at Shanghai, pamamahalaan ng naturang sentro ang copyright ng napakalaking bilang ng yamang media ng CMG, magsasagawa ng transaksyon ng copyright, at magdedebelop ng paggamit ng copyright.
Makakatulong din ito sa pag-unlad ng Shanghai, bilang internasyonal na metropolis na pangkultura at mahalagang lunsod para sa mga cultural at creative industry.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |