|
||||||||
|
||
Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at pamahalaang munisipal ng Beijing, binuksan kahapon, Sabado, ika-22 ng Agosto 2020, ang ika-10 Beijing International Film Festival.
Sa seremonya sa araw na ito, ipinatalastas ni Yan Xiaoming, Pangalawang Presidente ng CMG, ang pagsisimula ng film festival na may temang "Paghahangad ng Pinagbabahaginang Pangarap."
Sa ilalim ng epektong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), idaraos sa kasalukuyang film festival ang kapwa mga online at offline activity.
Samantala, hindi idaraos ang ilang aktibidad na kinabibilangan ng red carpet show, Tiantan Awards ceremony, at film carnival.
Itatanghal sa pestibal ang mahigit 300 pelikula mula sa loob at labas ng Tsina.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng pestibal, isasagawa ang online na pagtatanghal ng 250 pelikula, samantalang itatanghal naman sa pamamagitan ng ilang channel ng telebisyon ang 20 pelikula.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |