|
||||||||
|
||
Idaraos ang 2020 China International Fair for Trade-in Service (CIFTIS) sa Beijing sa unang dako ng Setyembre 2020.
Kaugnay nito, itatayo sa 2020 CIFTIS ang exhibition zone ng pampublikong kalusugan, na magpopokus sa mga temang tulad ng "kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa epidemiya," "kuwento ng Tsina sa paglaban sa epidemiya," "papel ng mga tradisyonal na Chinese Medicine at iba pa.
Lubos na ipapakita rin ang mga produkto, pasilidad sa serbisyong medikal at impormasyon, at iba pang larangan.
Ang "Pagkaroon ng kalusugan ng bawat tao" ay tema ng exhibition zone ng pampublikong kalusugan ng 2020 CIFTIS, ayon kay Zheng Jinpu, inspector ng Beijing Municipal Health Commission.
Sinabi din niyang umabot sa 105 ang mga kalahok na empresa mula sa 8 bansa at rehiyon.
Idaraos din ang porum na pinamagatang "Gathering the World's wisdom in epidemic prevention and fighting global disease"para talakayin ang pagtatatag ng pinagbabahaginang kalusugan ng buong sangkatauhan, karanasan ng daigdig sa paglaban sa epidemiya, at iba pang tema, saad ni Zheng.
Salin: Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |