Nakipag-usap sa telepono ngayong araw, Martes, ika-25 ng Agosto 2020, si Pangalawang Premyer Liu He ng Tsina, kina U.S. Trade Representative Robert Lighthizer at Treasury Secretary Steven Mnuchin.
Isinagawa ng kapwa panig ang konstruktibong diyalogo tungkol sa mga isyung gaya ng pagpapalakas ng bilateral na koordinasyon ng mga patakaran ng makro-ekonomiya ng Tsina at Amerika, at pagpapatupad ng unang yugto ng kasunduan sa kabuhayan at kalakalan na narating ng dalawang bansa noong Enero ng taong ito.
Sinang-ayunan nilang lumikha ng kondisyon at kapaligaran para sa patuloy na pagpapasulong ng pagpapatupad ng naturang kasunduan.
Salin: Liu Kai