|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-24 ng Agosto 2020, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa ay dapat magkaroon ng mas mabuting kalidad, mas mataas na episyensiya, mas patas, mas sustenable, at mas ligtas sa mga negatibong epekto.
Winika ito ni Xi sa talakayan sa araw na nabanggit, tungkol sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, na nilahukan ng mga opisyal ng partido at pamahalaan at mga dalubhasa.
Tinukoy ni Xi, na sa ilalim ng pabagu-bagong kalagayan sa buong mundo, dapat buuin ang bagong modelo ng pag-unlad ng Tsina, na gawing batayan ang pamilihang domestiko, at patingkarin ang papel ng mga pamilihang domestiko at dayuhan sa pagpapasigla ng isa't isa.
Iniharap din ni Xi ang mga kahilingan ng pagpapalakas ng inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, pagpapalalim ng reporma, pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, pagdaragdag ng hanapbuhay, pagpapabuti ng serbisyong pampubliko, at iba pa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |