Sa panayam kamakailan sa mamamahayag ng China Global Television Network (CGTN), sinabi ni Tom Simpson, Managing Director ng China Operations ng China-Britain Business Council, na ang Huawei Technologies Co. Ltd ay laging modelo ng mga dayuhang kompanya sa Britanya. Namumuhunan ito ng malaking pondo, lumilikha ng mga trabaho, at sumusunod sa mga batas ng Britanya.
Hindi siya nasiyahan sa kapasiyahan ng Britanya na ipagbawal ang paggamit ng teknolohiya ng Huawei.
Salin: Vera