Sinabi kahapon, Martes, ika-25 ng Agosto 2020, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagpapalaganap ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na di-umano'y "banta ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa buong mundo" ay paninirang-puri sa Tsina, at mayroon itong motibong pulitikal batay sa kanyang pagkiling na ideolohikal at sariling kapakanan.
Dagdag ni Zhao, sa Karta ng CPC man o sa Konstitusyon ng Tsina, buong linaw na nakasaad na iginigiit ng Tsina ang mapayapang pag-unlad at tinututulan ang hegemonismo. Pero aniya, walang ganitong pahayag ang panig Amerikano.
Salin: Liu Kai