|
||||||||
|
||
Sa kauna-unahang pagkakataon, iginawad Miyerkules, Agosto 26, 2020, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang opisyal na watawat sa pulisya ng bansa.
Sa seremonya ng paggagawad, ipinahayag ni Xi ang lubos na paghanga sa ibinibigay na napakalaking ambag ng pulisya, para ipagtanggol ang pambansang seguridad, panatilihin ang kaayusang panlipunan, at pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.
Inatasan din ni Xi ang pulisya na manatiling matapat, malinis, at maaasahan.
Hugis parihaba ang watawat ng pulisya ng Tsina, at matatagpuan sa bandang itaas at kaliwang sulok ang sagisag ng pulisya.
Ang kulay pula sa itaas na bahagi ng watawat ay sumasagisag sa pagiging matapat, malinis, at maaasahan ng pulisya, samantalang ang kulay asul naman sa dulong ibaba ay palatandaan ng tungkulin ng pulisya sa pangangalaga sa katahimikan at kapayapaan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |