Sa panayam kamakailan sa CGTN, pinakli ni Shi Zhengli, Direktor ng Center for Emerging Infectious Diseases sa Wuhan Institute of Virology ng Tsina, ang di-umanong "pagnanakaw ng panig Tsino ng intellectual property o mga sekreto ng pagdedebelop ng bakuna laban sa COVID-19 mula sa Amerika."
Sinabi ni Shi, na ang Tsina ay nasa unang hanay ng pagdedebelop ng bakuna laban sa COVID-19 sa buong mundo. Ang mga idinedebelop na bakuna ng Tsina ay ganap na batay sa sariling pananaliksik, at may sariling intellectual property, dagdag niya.
Salin: Liu Kai