Sa pamamagitan ng video link, idinaos kahapon, Biyernes, ika-28 ng Agosto 2020, ang Ika-23 Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan at Kalakalan ng Association of Southeast Asian Nations, Tsina, Hapon at Timog Korea (ASEAN plus 3).
Pinagtibay sa pulong ang plano ng aksyon ng ASEAN plus 3 para sa pagpapahupa ng epekto sa kabuhayan na dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Sa pamamagitan nito, palalakasin ng ASEAN plus 3 ang kooperasyon at koordinasyon, para tulungan ang rehiyong ito sa pagharap sa hamong dulot ng pandemiya ng COVID-19 at ibang mga pangkagipitang kalagayan sa hinaharap.
Ipinahayag ng mga kalahok na ministro, na ang maliwanag at matatag na kapaligirang pangkalakalan at pampamumuhunan ay mahalaga para sa pagbangon ng kabuhayan pagkaraan ng pandemiya ng COVID-19. Inulit din nila ang pangangalaga sa multilateral na sistemang pangkalakalan.
Salin: Liu Kai