|
||||||||
|
||
Idinaos Agosto 27, 2020 ang Ika-19 na Pulong ng mga Ministrong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinahayag ng kapwa panig na magkakasamang magsisikap para mapasulong ang kanilang kalakalan at pamumuhunan at maisakatuparan ang pag-ahon ng kabuhayan.
Sa isang magkakasanib na pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong, winiwelkam ng mga kalahok na ministro ang pagpapanatili ng malakas na paglaki ng kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Tsina at ASEAN sa panahon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Anila, ito ay lubos na nagpapakita ng pleksibilidad at napakalaking potensyal ng kanilang bilateral na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Salin: Lito
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |