Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-28 ng Agosto 2020, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat itigil ng Amerika ang panggugulo at pagsira sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Tinukoy ni Zhao, na ipinadala ng Amerika sa South China Sea ang mga bapor pandigma, eroplanong panagupa, at reconnaissance aircraft. Ito aniya ay pagpapakita ng sandatahang lakas at pagsasagawa ng probokasyong militar.
Dagdag ni Zhao, ang kasalukuyang pagsasanay ng tropang Tsino sa Xisha Islands sa South China Sea ay normal at regular na aktibidad. Ito aniya ay hindi nakatuon sa anumang bansa, at wala ring kinalaman sa isyu ng South China Sea.
Salin: Liu Kai