|
||||||||
|
||
Nagpadala ng mensahe Agosto, 31, 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Sultan Abdullah Ahmad Shah ng Malaysia, bilang pagbati sa Ika-63 Anibersaryo ng Pagsasarili ng Malaysia.
Tinukoy ni Xi na nitong 63 taong nakalipas, ang Malaysia ay nagtamo ng kahanga-hangang bunga sa pagpapaunlad ng bansa, at nagbigay ng malalaking ambag para sa kapayapaan at katatagan ng Timogsilangang Asya.
Ang Tsina at Malaysia aniya ay may malalim na tradisyonal na pagkakaibigan.
Sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagtutulungan ang dalawang bansa, saad ni Xi.
Sinabi ng pangulong Tsino na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Malaysiya, at nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Malaysia, para palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, magkasamang itatag ang "The Belt and Road," pasulungin ang kooeprasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan, at pangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sa magkakahiwalay na okasyon, nagpadala rin ng mensahe sina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Muhyidin Yassin, Punong Ministro ng Malaysia, bilang pagbati sa Ika-63 Anibersaryo ng Pagsasarili ng Malaysia.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |