Inilabas kahapon, Lunes, ika-31 ng Agosto 2020, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang rebisadong Working Measures on Complaints from Foreign-invested Enterprises.
Layon nitong kumpletuhin ang sistema ng mga gawaing may kinalaman sa mga reklamo sa aspekto ng pamumuhunang dayuhan, pasulungin ang mabilis na paglutas sa mga problema ng mga mamumuhunang dayuhan, ibayo pang pangalagaan ang lehitimong kapakanan ng mga negosyong may puhunang dayuhan, at lalo pang pabutuhin ang kapaligiran ng pamumuhunang dayuhan ng Tsina.
Pormal na ipatutupad sa darating na Oktubre 1 ang nabanggit na dokumento. Batay dito, itatatag din ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang pambansang sentro ng pagtanggap at paghawak ng mga reklamo ng mga negosyong may puhunang dayuhan.
Salin: Liu Kai