Kahapon, Martes, Setyembre 1, 2020 ay unang araw ng pagsasagawa ng Hong Kong ng Universal Community Testing Program para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Isinalaysay kagabi ng tagapagsalita ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na halos 126 na libong residente ang kinunan ng sample.
Lumahok kahapon sa pagtetest ang mga mataas na opisyal ng HKSAR na gaya nina Punong Ehekutibo Carrie Lam at Tung Chee-hwa, Pangalawang Tagapangulo ng National Committee ng Chinese People's Political Consultative Conference.
Nanawagan din sila sa lahat ng mga mamamayan ng Hong Kong na aktibong lumahok sa testing, dahil ito anila ay makakabuti sa kapakanan ng bawat isa para sa pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 at pagpapanumbalik sa normal na pamumuhay.
Salin: Liu Kai