|
||||||||
|
||
Sa talakayang idinaos kahapon, Huwebes, ika-3 ng Setyembre 2020, sa Beijing, bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng tagumpay ng Chinese People's War of Resistance Against Japanese Aggression at World Anti-Fascist War, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat ipagpatuloy ang diwa ng paglaban sa pananalakay na ipinakita sa naturang digmaan, bilang inspirasyon sa mga mamamayang Tsino para pagtagumpayan ang lahat ng mga kahirapan at buong sikap na isakatuparan ang pag-ahon ng nasyong Tsino.
Binigyang-diin din ni Xi ang paggigiit ng Tsina sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, ideyang "Mamamayan Muna," at mapayapang pag-unlad.
Dagdag niya, hindi papayagan ng mamamayang Tsino ang sinumang indibidwal o anumang puwersa na baluktutin ang kasaysayan ng CPC o dungisan ang katangian at layunin ng partido. Hindi papayagan ng mamamayang Tsino ang sinumang indibidwal o anumang puwersa na baluktutin at baguhin ang landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, o itanggi at dungisan ang mga natamong bunga ng mga mamamayang Tsino sa usaping sosyalista. Hindi papayagan ng mamamayang Tsino ang anumang indibidwal o anumang puwersa na mamagitan sa CPC at mga mamamayang Tsino o likhain ang salungatan sa pagitan ng CPC at mga mamamayang Tsino. Hindi papayagan ng mamamayang Tsino ang anumang indibidwal o anumang puwersa na igiit ang kanilang kalooban sa Tsina sa pamamagitan ng pananakot, baguhin ang direksyon ng pag-unlad ng Tsina, o hadlangan ang pagsisikap ng mamamayang Tsino para lumikha ng mas maligayang pamumuhay. At hindi papayagan ng mamamayang Tsino ang anumang indibidwal o anumang puwersa na sirain ang kanilang mapayapang pamumuhay at karapatan sa pag-unlad, hadlangan ang kanilang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa ibang mga mamamayan, o sirain ang usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |