|
||||||||
|
||
Sa isang panayam kamakailan, inilahad nina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas at Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina ang kanilang mga komong palagay tungkol sa relasyon at kooperasyong Sino-Pilipino.
Kaugnay nito, positibong pagtasa ang ibinigay ng dalawang embahador sa ginawang kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019.
Nakahanda anila ang dalawang bansa na ipagpatuloy ang kooperasyong ito para tulungan ang Pilipinas sa pagharap sa mga bantang dulot ng pandemiya.
Ipinalalagay din ng dalawang embahador, na ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas ay mahalagang pampasigla sa pagbangon ng kabuhayan sa post-pandemic era, at dapat pabilisin ang pagpapanumbalik ng mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Dagdag ng dalawang embahador, may kakayahan ang pamahalaan ng Tsina at Pilipinas na kontrolin ang pagkakaiba sa isyu ng South China Sea, at lutasin ito sa pamamagitan ng mapayapang pagsasanggunian.
Sa aspekto naman ng online gambling, sumang-ayon ang dalawang embahador, na palakasin ang kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa mga aktibidad na kriminal sa sektor na ito, para igarantiya ang normal at malusog na pagpapalagayan ng mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |