|
||||||||
|
||
Ayon sa estadistikang inilabas sa summit, noong 2019, 35.8 trilyong yuan RMB ang halaga ng digital economy ng Tsina, at ito ay katumbas ng 36.2% ng kabuuang halaga ng GDP ng bansa.
Samantala, noong isang taon, umabot sa mahigit 203 bilyong Dolyares ang halaga ng digital trade ng Tsina, at ito ay katumbas naman ng 26% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas sa mga serbisyo ng bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang Bingnan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ang umuunlad na digital economy at lumalaganap na digital trade ay nagpapakita ng mahalagang papel sa pagbubukas ng bagong espasyong pangkaunlaran ng kabuhayan.
Dagdag niya, sa hinaharap, ang digital trade ay magiging mahalagang elemento sa mas de-kalidad, mas malalim, at mas mataas na lebel na pag-unlad ng pagbubukas sa labas ng Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |