|
||||||||
|
||
Sinabi ni John Aquailina, Embahador ng Malta sa Tsina, na ipinatalastas ni Pangulong Xi ang patuloy na pagpapalawak ng market access sa sektor ng serbisyo at pagdaragdag ng pag-aangkat ng mga de-kalidad na serbisyo mula sa ibang mga bansa.
Ito aniya ay mahalagang senyal sa pagpapasulong ng Tsina ng pagbubukas sa labas.
Ipinalalagay naman ni Hans-Paul Burkner, Presidente ng Boston Consulting Group, na tulad ng sinabi ni Pangulong Xi, ang pagbubukas at pagtutulungan ay magbibigay ng malakas na sigla sa pag-unlad ng kabuhayan at paglaki ng kalakalang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Li Baochun, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng World Tourism Cities Federation, na bilang pangunahing industriya sa sektor ng serbisyo, ang pagbangon ng turismo ay mahalaga para sa pag-unlad ng kabuhayan at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Aniya, batay sa tatlong mungkahing iniharap ni Pangulong Xi tungkol sa pagpapalakas ng kooperasyon sa sektor ng serbisyo, dapat magkakasamang magtulungan ang iba't ibang bansa, para pasulungin ang pagbangon ng turismo.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |