Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Lunes, ika-7 ng Setyembre 2020, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, sapul noong taong 2012, umabot sa 7.8% ang karaniwang taunang paglaki ng halaga ng kalakalang panserbisyo ng bansa, at ito ay mas mataas nang 3.7% kumpara sa karaniwang paglaki ng buong mundo.
Samantala, noong 2019, mahigit 5.4 trilyong yuan RMB ang halaga ng kalakalang panserbisyo ng Tsina, at ang halagang ito ay nasa ikalawang puwesto sa daigdig.
Ayon pa rin sa naturang ministri, aktibo ring sinusubok ng Tsina ang inobatibong pagpapaunlad ng kalakalang panserbisyo, at ang kalakalang panserbisyo ay nagiging bagong lakas na tagapagpasulong sa pag-unlad at transpormasyon ng kabuhayang Tsino.
Sa susunod na yugto, palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa aspekto ng kalakalang panserbisyo, at bubuuin ang pambansang bersyon ng negatibong listahan para sa transnasyonal na kalakalang panserbisyo, dagdag ng nabanggit na ministri.
Salin: Liu Kai