|
||||||||
|
||
Xining, probinsyang Qinghai ng Tsina — Ipinahayag nitong Linggo, Setyembre 6, 2020 ni Chen Dehai, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Center (ACC), na sa harap ng biglaang pagsiklab ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa kasalukuyang taon, patuloy pa ring lumaki ang bilateral na kalakalan at pamumuhunan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ito ay bunga ng pagkakatigan at pagtutulungan ng dalawang panig, saad ni Chen.
Dagdag pa rito, sinabi ni Chen na hinahanap din ngayong ng Tsina at ASEAN ang komong pangangailangan sa rehiyonal na kaunlaran.
Ayon sa opisyal na estadistika ng Tsina, noong unang hati ng kasalukuyang taon, umabot sa halos 297.9 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalang Sino-ASEAN.
Ang Tsina at ASEAN ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng isa't-isa.
Samantala, sa panahong iyon, naisakatuparan ang napakalaking paglaki ng bilateral na pamumuhunan sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Umabot sa halos 240 bilyong dolyares ang halaga ng pamumuhunan ng dalawang panig, bagay na nagpapakita ng napakalakas na pleksibilidad at napakalaking potensyal ng kooperasyong Sino-ASEAN.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |