|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na pinakamahalaga ang buhay ng tao.
Ani Xi, sa harap ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), iginigiit ng CPC ang pangangalaga sa kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan nang di alintana ang anumang kakailanganin. Ito aniya ay batay sa saligang layon ng partido, na buong tapat na paglilingkod sa mga mamamayan.
Tinukoy ni Xi, na sa pamamagitan ng malakas na kakakayan sa pag-oorganisa, pagkokoordina, pagpapatupad ng mga hakbangin, at pagpapakilos ng mga yaman, matagumpay na nakontrol ng Tsina ang epidemiya ng COVID-19. Ipinakikita aniya nito ang kahigtan ng sistemang pang-estado ng Tsina.
Sinabi rin ni Xi, na ang malakas na pambansang puwersa ng Tsina, na may masaganang materyal, kumpletong sistemang industriyal, malakas na kakayahang pansiyensiya at panteknolohiya, at malaking yamang medikal, ay nagbigay ng garantiya para labanan ng bansa ang epidemiya at bawasan ang negatibong epekto sa kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan.
Dagdag niya, isang aral ang ibinigay ng pandemiya ng COVID-19 na ang sangkatauhan ay komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan at dapat magtulungan ang komunidad ng daigdig sa pagharap sa mga pandaigdigang hamon. Aniya, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, para palakasin ang kooperasyong pandaigdig sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, at pasulungin ang muling kasaganaan ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |