Idinaos ngayong araw, Martes, ika-8 ng Setyembre 2020, sa Beijing, ang seremonya ng parangal, bilang papuri sa mga hurawang mamamayan na bahagi ng paglaban ng Tsina sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ginawaran ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng pambansang titulong pandangal na "Bayani ng Mamamayan" si Zhang Boli, dalubhasa sa Traditional Chinese Medicine (TCM) na pinamunuan ang pananaliksik ng paraan ng paggamot ng COVID-19 sa pamamagitan ng pinagsamang TCM at medisinang kanluranin.
Salin: Liu Kai