|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw, Martes, ika-8 ng Setyembre 2020, sa Beijing, ang seremonya ng parangal, bilang papuri sa mga hurawang mamamayan na bahagi ng paglaban ng Tsina sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Halos 1700 indibiduwal at 650 grupo ang ginawaran ng iba't ibang uri ng gantimpala, dahil sa kani-kanilang ambag sa paglaban sa COVID-19.
Kabilang dito, ginarawan ng Medalya ng Republika si Zhong Nanshan, kilalang eksperto sa respiratory disease na unang nagkumpirma ng pagkalat ng COVID-19 sa pagitan ng tao.
Ang pambansang titulong pandangal na "Bayani ng Mamamayan" ay ipinagkaloob naman sa 3 iba pa, na sina Zhang Boli, dalubhasa sa Traditional Chinese Medicine (TCM) na pinamunuan ang pananaliksik ng paraan ng paggamot ng COVID-19 sa pamamagitan ng pinagsamang TCM at medisinang kanluranin; Zhang Dingyu, puno ng Jinyintan Hospital sa Wuhan, espesyalista sa pagbibigay-lunas sa mga may-sakit ng COVID-19; at Chen Wei, siyentista sa medisina na nagbigay ng malaking ambag sa pagdedebelop ng bakuna laban sa COVID-19.
Sila ay ginawaran ng gantimpala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |