Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at mga bansa ng BRI, palalalimin ang kooperasyon at pasusulungin ang bagong estrukturang pangkabuhayan ng daigdig

(GMT+08:00) 2020-09-08 18:18:29       CRI

Isinapubliko Setyembre 7, 2020, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang Ulat sa Pag-unlad ng Kalakalan at Pamumuhunan ng Belt and Road Initiative (BRI).

Sa ulat, ipinakita ang bunga na natamo ng Tsina at mga kinauukulang panig ng BRI sa larangan ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at ipinakita ang bagong direksyon na dulot ng kooperasyong pangkabuahayan at pangkalakalan ng BRI.

Ayon sa ulat, nitong nakaraang 7 taon, walang humpay na pinapalalim ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa mga bansa ng BRI, pinapataas ang antas ng kaginhawahan at kalayaan ng pamumuhunan, pinapaunlad ang pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas, na pinapasulong ang bagong estrukturang pangkabuhayan ng daigdig.

Tinukoy din ng ulat na mabunga ang kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng BRI noong unang hati ng 2020, sa kabila ng epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Nilagdaan na ng Tsina at 138 bansa, 30 organisasyong pandaigdig ang 200 dokumentong pangkooperasyon hanggang noong Mayo, 2020.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>