|
||||||||
|
||
Idinaraos ngayon sa Beijing ang 2020 China International Fair For Trade In Services (CIFTIS). Kasabay nito ginugunita rin ang Ika-7 Anibersaryo ng paglalahad ng Belt and Road Initiative (BRI), at ang pag-unlad at pag-a-upgrade ng industriya ng serbisyo ng Tsina at mga bansa ng BRI ay naging pokus ng iba't ibang kalahok na panig.
Mabilis ang pag-unlad ng kalakalan ng serbisyo ng Tsina at mga bansa ng BRI nitong ilang taong nakalipas. Pero, ang pagsiklab ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay malubhang nakapinsala sa mga transnasyonal na kalakalan ng serbisyo.
Sa 2020 CIFTIS, ang muling pagbangon ng transnasyonal na industriya ng serbisyo ay umakit ng pansin ng iba't ibang sirkulo. Umaasa ang mga kalahaok na negosyo na mapapawi ang epekto ng pandemiya sa pamamagitan ng pagkakataong alok ng CIFTIS.
Kasabay ng magkakasamang paglaban sa COVID-19, aktibong pinapaunlad ng Tsina at mga bansa ng BRI ang bagong larangan ng kooperasyon ng kalakalan ng serbisyo.
Bukod dito, mabilis pa rin ang pag-unlad ng digital na kalakalan sa Tsina. Umabot sa 203.6 bilyong dolyares ang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng digital na kalakalan ng Tsina noong 2019 na nasa 26% ng kabuuang halaga ng kalakalan ng serbisyo ng buong bansa, at nakita ng mga bansang Europeo ang malaking pagkakataong komersyal sa pakikipagkooperasyon sa Tsina.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |