|
||||||||
|
||
Binanggit niya minsan na "maraming guro ang nagturo sa akin, at natatandaan ko ang kanilang mga itsura. Tinuruan nila ako, hindi lamang ng mga kaalaman, kundi ng mga prinsipyo rin sa pagiging mabait na tao."
Ang Beijing Bayi School ay lugar kung saan nag-aral si Xi ng elementary school at junior high school.
Pagkaraang matapos ang pag-aaral sa paaralang ito, nagtrabaho si Xi sa labas ng Beijing. Tuwing bakasyon, bumabalik siya sa Beijing para bumisita sa paaralan.
Halimbawa, sa larawang kinuha noong Marso 1979, nakikitang dinalaw ni Xi ang Beijing Bayi School, kasama ng kanyang mga dating guro at kaklase, bilang pagdiriwang sa ika-32 anibersaryo ng pagkakatatag ng paaralan.
Sa bisperas ng Araw ng mga Guro noong 2016, muling bumisita si Xi sa Beijing Bayi School, bilang Pangulo ng Tsina, para kumustahin ang mga guro't estudyante.
Sa panahon ng pagbisita, sinabi niya sa kanyang mga dating guro, na sa okasyong ito, hindi siya lider ng estado, sa halip, siya ay estudyante ng mga guro.
Sa larawang ito na kinuha noong 2003, ang nasa kaliwa ay si Chen Qiuying, guro ni Xi sa junior high school.
Pagkaraang magretiro sa trabaho, sinulat ni Chen ang maraming kuwento para sa bata. Ipinadala minsan niya kay Xi ang isang aklat ng koleksyon ng mga kuwentong ito.
Sa kanyang mensahe kay Chen, ipinahayag ni Xi ang pasasalamat at paggalang sa kanyang patuloy na pagbibigay-ambag sa usaping pambata. Sinabi rin niyang: "Noong dati, ikaw ay aking guro; sa kasalukuyan, nananatili ka pa ring aking guro; at sa hinaharap, ikaw pa rin ay aking guro."
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |