Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa South China Sea, binigyang-halaga ni Pangulong Duterte at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-09-12 08:02:16       CRI

Nakipagtagpo kahapon ng hapon, Biyernes, ika-11 ng Setyembre 2020, sa Maynila, si Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, kay Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina.

Sinabi ni Duterte, na ang delegasyon ni Wei ay siyang unang mataas na delegasyong dayuhan na dumalaw sa Pilipinas, sapul nang maganap ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Ito aniya ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa relasyong Pilipino-Sino. Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa pamahalaan at tropang militar na Tsino sa pagkakaloob ng mga tulong sa paglaban ng Pilipinas sa epidemiya.

Dagdag ni Duterte, ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea ay angkop sa komong kapakanan ng iba't ibang bansa sa rehiyong ito. Umaasa aniya siyang, batay sa paggalang sa pandaigdig na batas, lulutasin ng iba't ibang panig ang pagkakaiba, para magkakasamang isakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.

Binigyan naman ni Wei ng positibong pagtasa ang walang humpay na pagtamo ng relasyong Sino-Pilipino ng mga bagong progreso nitong ilang taong nakalipas, at pagsuporta ng dalawang bansa sa isa't isa sa harap ng epidemiya ng COVID-19.

Ipinahayag din ni Wei, na ang pangangalaga sa katatagan sa South China Sea ay komong responsibilidad ng Tsina at Pilipinas. Aniya, dapat igiit ang prinsipyong ang isyu ng South China Sea ay dapat lutasin ng mga bansa sa loob ng rehiyong ito, palakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, at maayos na kontrulin ang mga pagkakaiba. Ito aniya ay mga susi sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa South China Sea.

Nauna rito, nag-usap sa Camp Aquinaldo sina Wei Fenghe at Delfin Lorenzana, Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas.

Tinalakay nila ang isyu ng South China Sea, kung paanong iwasan hindi pagkakaintindihan, at lutasin ang pagkakaiba ng paninindigan sa pamamagitan ng mapagkaibigang paraan.

Nilagdaan din nila ang guideline ng pagpapatupad sa ipinagkaloob na mga kagamitan para sa makataong tulong at pagliligtas sa kapahamakan ngTsina sa Pilipinas na nagkakahalaga ng mahigit 920 milyong Piso.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>