|
||||||||
|
||
Nanawagan kahapon, Biyernes, ika-11 ng Setyembre, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa mga siyentista at manggagawa sa larangan ng siyensiya at teknolohiya, na ibayo pang pabilisin at palalimin ang inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya.
Winika ito ni Xi, sa talakayan kasama ng mga sikat na siyentista mula sa Chinese Academy of Engineering at Chinese Academy of Sciences.
Pinakinggan ni Xi ang mga palagay at mungkahing iniharap ng mga kalahok na siyentista tungkol sa pagpapalalim ng reporma sa sistema ng siyensiya at teknolohiya ng Tsina.
Ipinahayag din niya ang pag-asang magbibigay ng mas malaking ambag ang mga siyentista at manggagawa sa larangan ng siyensiya at teknolohiya, para sa pag-unlad ng bansa at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |