|
||||||||
|
||
Inilabas kamakailan ng Select Subcommittee on Coronavirus ng Mababang Kapulungan ng Amerika, ang dokumentong nagsasabing sinasadyang balewalain ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump ang tunay na malalang kalagayan ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng bansa.
Ayon sa dokumento, mula noong nagdaang Hunyo ng taong ito, alam na alam ng White House na mabilis na tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa iba't bang lugar ng Amerika, pero paulit-ulit pa ring hiniling ni Trump at kanyang mga mataas na opisyal ang pagpapanumbalik ng mga aktibidad na pangkabuhayan, habang di-inaamin ang malalang kalagayan ng epidemiya.
Kaugnay nito, sinabi ni Qiao Liang, komentarista ng China Global Television Network, na para kay Trump na naghahangad ng ikalawang termino bilang pangulo ng Amerika, binibigyan niya ng labis na halaga ang kabuhayan at kapalit ng kalusugan at kaligtasan ng buhay ng mga tao. Pero aniya, ipinakikita ng kasalukuyang pangyayari sa Amerika, na ang pagpapanumbalik ng kabuhayan sa ilalim ng kondisyong hindi pa kontrulado ang pagkalat ng COVID-19 ay humantong sa mas malubhang epidemiya.
Ito ay aral mula sa mga ginawa ng administrasyon ni Trump sa harap ng COVID-19, dagdag ni Qiao.
Tunghayan ang video na ito para sa higit pang detalyadong kuro-kuro ni Qiao.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |