|
||||||||
|
||
Ayon naman sa ilang American media, sa harap ng executive order ni Donald Trump, na ibenta ang TikTok sa isang kompanyang Amerikano o isara ang operasyon nito sa Amerika, nakikipagsanggunian ngayon ang ByteDance sa ilang panig para sa isang solusyon sa kondisyong hindi ibenta ang TikTok.
Ayon pa rin sa media, hindi ibebenta ng ByteDance ang TikTok, at hindi rin ibibigay ang source code sa alinmang panig ng Amerika.
Sa isa pang development, muling inilahad kahapon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang paninindigan ng panig Tsino sa isyung may kinalaman sa TikTok.
Sinabi ni Wang, na isinasagawa ng pamahalaang Amerikano ang sapilitang hakbang sa TikTok. Ito aniya ay salungat sa bukas, pantay, makatarungan, at walang-pagkiling na prinsipyo ng kapaligirang pangnegosyo.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |