|
||||||||
|
||
Naglakbay-suri kahapon, Miyerkules, ika-16 ng Setyembre 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa lalawigang Hunan sa gitnang bahagi ng bansa, upang alamin ang mga pag-unlad at pangangailangan ng nasabing lugar.
Sa Nayon ng Shazhou, Rucheng County, bumisita si Xi sa isang pabilyon ng eksibisyon tungkol sa kasaysayan ng Long March, sentrong panserbisyo, klinika, modern agricultural tourism demonstration base, paaralang elementarya, at mga tahanan ng mga taga-nayon.
Inalam niya ang tungkol sa kalagayan ng edukasyon, pagpapaunlad ng mga industriya para sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, pagpapatatag ng mga natamong bunga sa pagpawi ng karalitaan, at iba pa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |