|
||||||||
|
||
Sa ilalim ng temang "Magkakasamang Konstruksyon ng Belt and Road, Magkakasamang Pagpapasigla ng Digital na Kabuhayan," idaraos mula Ika-27 hanggang Ika-30 ng Nobyembre 2020, sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Ika-17 China-ASEAN Expo (CAEXPO), sa kapuwa online at offline na plataporma.
Kasabay nito, idaraos din ang China-ASEAN Business Summit (CABIS), mga porum sa mataas na antas, mga aktibidad sa pagpapasulong ng kalakalan at pamumuhunan, at iba pa.
Ang 2020 ay Ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.
Kaugnay nito, aktibong naghahanda ang Sekretaryat ng ASEAN para sa naturang anibersaryo, at bilang paggunita sa pagkakatatag ng bilateral na relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar, Tsina at Pilipinas, Tsina at Thailand at iba pa.
Ito rin ay upang pasulungin ang pagtatamo ng bagong bunga ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa paglaban sa epidemiya ng Corona virus Disease 2019 (COVID-19).
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |