|
||||||||
|
||
Miyerkules, Setyembre 16, 2020, nagpadala ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Yoshihide Suga, bilang pagbati sa kanyang pagkakahalal bilang punong ministro ng Hapon.
Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Hapon ay kapuwa mga mahalagang bansa sa Asya at daigdig.
Aniya, ang pagpapaunlad ng pangmatagalang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa ay hindi lamang angkop sa pundamental na kapakanan ng kanilang mga mamamayan, kundi nakakabuti rin sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng Asya, maging ng buong mundo.
Diin niya, dapat sundin ng kapuwa panig ang iba't ibang simulaing tiniyak ng apat na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa at apat na punto ng principled agreement, at aktibong pasulungin ang pagtatatag ng relasyong Sino-Hapones na angkop sa kahilingan ng bagong panahon.
Ito aniya ay para makapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, at gumawa ng positibong ambag sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig at pagpapasulong sa komong kaunlaran.
Nang araw ring iyon, bumati rin si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pagkakahalal ni Suga.
Aniya, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Hapones, na palakasin ang mapagkaibigang pagpapalitan at pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at magkasamang pasulungin ang mas malaking kaunlaran ng relasyong Sino-Hapones.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |