Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkakaibigan ng Tsina at Nepal, napatatag at napalalim - Xi Jinping

(GMT+08:00) 2020-09-20 16:03:21       CRI
Bilang pagbati sa Pambansang Araw ng Nepal, ipinadala ngayong araw, Linggo, ika-20 ng Setyembre 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Pangulong Bidhya Devi Bhandari ng Nepal.

Hinahangaan ni Xi ang pagtaas ng Estratehiko at Kooperatibong Partnership ng relasyon ng Tsina at Nepal noong isang taon.

Ito aniya ay tungo sa kaunlaran, kasaganaan, at hene-henerasyong pagkakaibigan.

Dagdag niya, ibayo pang napatatag at napalalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng magkasamang paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ipinahayag din ni Xi ang pag-asang, magkasamang magsisikap ang dalawang panig, para matamo ang bagong progreso sa pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Nepal, at kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang aspekto.

Nang araw ring iyon, ipinadala rin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe kay Punong Ministrong Khadga Prasad Sharma Oli ng Nepal, bilang pagbati sa naturang pambansang araw.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>